Magkakaroon ng boses ang Pilipinas sa management ng lahat ng available na pondo para sa pagpapagaan ng epekto ng climate change ngayong naka-secure na ang pwesto ng bansa sa board ng UN Loss and Damage Fund.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magandang development ito at gagamitin ng pamahalaan ang pagkakataon upang ipagpatuloy ang pagkakaroon nito ng matatag na posisyon sa lahat ng usaping mayroong kinalaman sa climate change.
“I am very gratified to hear the news that the Philippines has secured a membership on Loss and Damage Fund Board for the year 2024 and the year 2026, serving as an alternate for 2025,” — Pangulong Marcos Jr.
Ang susunod na tututukan aniya ng bansa, maisulong ang Pilipinas bilang host ng Damage and Loss Fund, lalo’t isa ang bansa sa mga pinaka-apektado ng climate change.
“The next step we are hoping to achieve is to host the Fund – Loss and Damage Fund here in the Philippines so that – because after all, we are very much in the mix when it comes to climate change effects,” — Pangulong Marcos Jr.
Ang Pilipinas ay magsisilbing board sa loob ng tatlong taon mula 2024 hanggang 2026. Magkakaroon ito ng term sharing sa Pakistan sa taong 2025.
Kakatawanin ng Pilipinas ang Asia Pacific Group (APG) sa Loss and Damage Fund Board kasama ang UAE at Saudi Arabia. | ulat ni Racquel Bayan