Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na ₱2.5-million halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng tumamang Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur noong Sabado.
Kasunod ito ng inisyal na assessment na isinagawa ng DA Regional Field Office sa CARAGA.
Ayon sa DA, ilan sa mga natukoy na napinsala sa CARAGA ay ilang kagamitan sa laboratoryo ng DA production facilities, at stock lines mula sa seaweed farms.
Sa ngayon, ongoing pa rin naman ang pakikipagugnayan ng DA sa Butuan LGU para sa assessment sa iba pang sakop ng agri sector at gayundin ang ilalaang tulong para sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa