Umabot na sa ₱109,493,000 ang pinsala sa irrigation infrastructures ng National Irrigation Administration dulot ng magkasunod na lindol noong Nobyembre 20 at Disyembre 2, 2023.
Ayon kay NIA Acting Administrator Eduardo Eddie Guillen, nasa 7,241 ektarya ng agricultural lands at 5,424 farmer-beneficiaries ang naapektuhan.
Nasa ₱46,000 ang halaga ng pinsala sa Samar National Irrigation Project sa Region 8 at 271 ektarya ng lupain ang apektado dulot ng magnitude 5.2 earthquake sa Region 8 noong Nobyembre 20, 2023.
Ayon sa NIA, nangangailangan ng agarang emergency works ang mga irrigation project para maibalik sa ayos at serbisyo para maisalba pa ang mga standing crop.
Nakapagtala naman ng inisyal na pinsala ang NIA CARAGA Regional Office ng abot sa ₱109,447,000 halaga sa nangyaring magnitude 7.6 earthquake noong Disyembre 2, ngayon ding taon sa Hinatuan Surigao del Sur.
May 18 irrigation projects na may service area na 6,970 ektarya at at 5,353 farmer-beneficiaries ang naapektuhan ng lindol. | ulat ni Rey Ferrer