Pito sa nalalabing 11 LEDAC at SONA priority measure, malapit nang pagtibayin ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pitong LEDAC at SONA priority measures na ang pasado sa ikalawang pag-basa sa Kamara mula sa kabuuang 11.

Ibig sabihin, makakamit ng Mababang Kapulungan ang target nito na mapagtibay ang mayorya sa nalalabing priority measures ng Marcos Jr. administration bago ang Christmas break ng Kongreso ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe.

Kabilang sa mga LEDAC Bills na piangtibay sa 2nd reading ang House Bill 9587 o Tatak-Pinoy [Proudly Pinoy] Act, HB 9662 o Blue Economy Law, HB 9647 o Motor Vehicle Road User’s Tax, HB 9663 o Department of Water Resources and Services and Creation of Water Regulatory Commission HB9648 o Amyenda sa Grovernment Procurement Reform Act, HB9664 o Revised Government Auditing Code of the Philippines at HB 9673 o Revised Cooperative Code of the Philippines.

Maliban sa pitong panukalang ito ay target din ratipikahan ng Kamara bago ang break ang 2024 National Budget.

Inaasahan na sa susunod na linggo muling magpupulong ang bicameral conference committee para maisapinal ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon. Sa December 15 ang huling araw ng sesyon bago ang break. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us