PITX, naghahanda na para sa dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para sa pagdagsa ng mga pasahero na magsisipag bakasyon ngayong magpapasko.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, inaasahan na nilang aabot sa 1.3 hanggang 1.5 milyong pasahero ang daragsa sa kanilang terminal mula Disyembre 15 hanggang 29.

Aniya, posible pa itong mapaaga depende kasi sa sitwasyon ng mga pasahero.

Katunayan aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para matiyak na may contingency na silng mailalatag sakaling kapusin ang bilang ng mga bumibiyaheng yunit sa PITX.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ng PITX ang kanilang ika-5 anibersaryo kung saan, maghahandog sila ng konsyerto mamayang gabi at pa-raffle sa mga pasahero bilang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us