PNP, nanindigang walang failure of intelligence sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang naging failure of intelligence sa panig ng security forces kasunod ng nangyaring pagsabog sa loob ng campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Linggo.

Ito’y sa kabila ng naging pahayag noon ni Bangsamoro Interior Minister, Atty. Naguib Sinarimbo na may mga kumakalat nang text message hinggil sa umano’y planong pagpapasabog sa rehiyon ilang araw bago nangyari ang malagim na pagsabog

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo na hindi naman tumitigil ang pakikipag-ugnayan nila sa Militar, Coast Guard, at iba pang law enforcement agencies para i-validate ang mga natatanggap nilang impormasyon.

Magugunitang nasawi sa insidente ang isang estudyante at isang guro ng MSU gayundin ang dalawang nagsisimba lamang sa loob ng campus nang mangyari ang pagsabog.

Una rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. na malabo ang akusasyon ng failure of intelligence dahil nakapagbigay babala na sila sa kanilang counterparts hinggil sa posibleng paghihiganti ng ilang teroristang grupo.

Ayon pa kay Fajardo, natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng dalawa sa apat na Persons of Interest (POI) sa insidente habang tinutukoy pa nila ang posibleng papel ng dalawang hindi pa nakikilalang POI.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us