Hinimok ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ng Philippine National Police o PNP-SOSIA ang mga may-ari ng iba’t ibang establisyimento na mag-invest ng mga kagamitan para sa kanilang mga guwardiya.
Ito’y upang mapalakas pa ang kapabilidad ng mga guwardiya sa pagganap ng kanilang tungkulin na bantayan at tiyakin ang seguridad gayundin ang kaligtasan ng kanilang pinapasukan.
Ayon kay PNP-SOSIA Director, P/BGen. Gregory Bogñalbal, madalas namang napag-uusapan ang capability enhancement sa tuwing nagkakasa sila ng stakeholders meeting.
Kung mayroong akmang kagamitan ang mga guwardiya na dapat nilang gamitin, magiging episyente at epektibo ang pagganap ng mga ito sa kanilang tungkulin. | ulat ni Jaymark Dagala