Siniguro ni Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuportahan at popondohan ng Kamara ang mga programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng milyong-milyong mahihirap na Pilipino.
Ito ang inihayag ng lider mg Kamara kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 22.4 porsyento ang poverty incidence sa bansa sa unang semestre ng 2023 kumpara sa 23.7 porsyento na naitala sa unang anim na buwan ng 2021.
Ibig sabihin nito bumaba ng halos 900,000 ang mga mahihirap na Pilipino.
“We are happy for 900,000 of our countrymen whose situation has improved from being poor over the past two years. We will continue to help the more than 25 million get out of poverty through intervention programs Congress, principally the House where the national budget emanates, should consistently fund,” ani Speaker Romualdez.
Maliban dito ay may mga inisyatiba din ang liderato ng Kamara, mga mambabatas, at lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya.
Isa na rito ang bagong programang AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita) kung saan bibigyan ng tig-P5,000 ang may 12 milyong mahihirap na pamilya na hindi kumikita ng lagpas sa P23,000 kada buwan at ang pinalawig na CARD Program o Bagong Pilipinas Community Assistance and Rice Discount (CARD),
Punto ng lider ng Kamara na batay sa pag-aaral ng World Bank, mayroong mga ebidensya na nagsasabi na ang pagbibigay ng direktang ayuda ay epektibo sa pagbawas ng kahirapan.
“Our own 4Ps is proof of this. Many beneficiary-families have improved their situation by producing college graduates,” diin ni Romualdez
Nagdesisyon din umano ang Kamara na gamitin ang oversight power nito upang mabantayan ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin at labanan ang smuggling, hoarding, price manipulation, at mga katulad na pang-aabuso ng mga negosyante na nagpapahirap sa mga ordinaryong mamimili. | ulat ni Kathleen Jean Forbes