Hinihikayat ng Philippine Port Authority ang publiko na magsuot ng face mask kung magtutungo ang mga ito sa mga pantalan sa bansa.
Ginawa ng PPA ang apela kasunod na rin ng naitatalang pagtaas ng kaso ng mga may influenza.
Sabi ni General Manager Jay Santiago, kanilang hinihikayat ang mga pasahero ng barko na gumamit ng face mask, magpabakuna, gumamit ng alcohol at iba pang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay GM Jay Santiago, hindi naman required pero mas makabubuti na mag-ingat pa rin ang mga pasahero na gumagamit ng pantalan.
Aminado ang Department of Health, may pagtaas ng kaso ng influenza sa Pilipinas dahil na rin sa nararanasan na malamig na panahon.
Una nang napaulat ang pagdami ng sakit na influenza sa Northern China ngunit hindi naman daw ito dapat ikabahala dito sa Pilipinas. | ulat ni Michael Rogas