Prangkisa ng SMNI, pinasususpindi ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni PBA Party-list Representative Margarita Nograles ang House Resolution 1499 kung saan hinihimok ang National Telecommunications Commission na suspendihin ang operasyon ng Swara Sug Media Corporation na nag-o-operate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network Inc. o SMNI.

Punto ng mambabatas nilabag kasi ng SMNI ang “terms and conditions” ng kanilang prangkisa sa ilalim ng Republic Act 11422.

Bigo kasi ang network na tuparin ang mga responsibilidad sa ilalim ng Section 4 ng naturang batas gaya ng huwag gamitin ang kanilang istasyon o pasilidad para sa pagpapakalat ng “false information;” dapat maglabas ng “balanced programming,” isulong ang “public participation,” umayon sa “ethics” ng tapat na negosyo, at iba pa.

Kaya naman ilang resolusyon ang inihain aniya sa Kamara na nagpapa-imbestiga sa SMNI kabilang na ang alegasyong may ₱1.8-billion na gastos si Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga biyahe.

Ani Nograles, habang dinidinig ang usapin ay mainam na ipahinto muna ng NTC ang operasyon ng naturang network.

Ipagpapatuloy naman ngayong araw, December 5, ang pagdinig sa naturang isyu. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us