Pres. Marcos Jr, positibo na patuloy pang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagganda ng ekonomiya ng Pilipinas.

Partikular na binanggit ng Pangulo, ang pagbaba sa 4.2% ng unemployment rate ng bansa, pinakamababa mula noong April, 2005.

Habang bumagal rin ng 4.1% ang inflation rate, para sa buwan ng Nobyembre.

“With great joy, I share the remarkable progress our nation has achieved. In October 2023, our unemployment rate hit a remarkable low of 4.2%, the lowest since April 2005, accompanied by a sharp decline in inflation to 4.1% in November 2023,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang numero ang mga pigurang ito, bagkus sumasalamin lamang ito na milyon-milyong mga Pilipino ang nakatagpo ng bagong oportunidad.

Ipinapakita rin aniya nito na nagbubunga ang dedikasyon ng pamahalaan sa pagpapaganda ng klima ng trade at investment sa Pilipinas. “This is not just a number; it signifies the lives of millions of our fellow citizens who have found new opportunities. Our dedication to fostering an environment conducive to trade and investment is paying off.”

Dahil dito, kumpiyansa ang Pangulo sa suporta ng mga Pilipino at patuloy na susulong ang isang matatag at mayabong na Bagong Pilipinas.

“The journey ahead is promising, and I am confident that with your support, we will continue to build a resilient and prosperous Bagong Pilipinas!” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us