Malaking bagay na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sumusuporta sa mga aktibidad at programa ng pamahalaan, upang tugunan ang pagsisiksikan ng persons deprived of liberty (PDL) sa mga detention facility sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na binibigyan lamang ito sa kredibilidad at kahalagahan ang inisyatibo ng mga kalihim ng gabinete, maging ng Korte Suprema, sa pagtugon sa matagal nang problema sa sistema, o iyong congestion sa detention facility.
“It lends much credibility and much significance to the work that the Cabinet members have been doing as well as the Supreme Court in order to really solve a problem that has been perennial in our system for a very long time,” ani Pangulong Marcos.
Ang presensya aniya ng Pangulo sa gaganaping Jail Decongestion Summit sa December 6 at 7 ay hindi lamang makatutulong sa pagpapataas ng kamalayaan ng publiko, bagkus ay patataasin rin nito ang lebel ng talakayan sa kaganapan.
Umaasa naman ang opisyal na sa pamamagitan rin ng pagdalo ni Pangulong Marcos sa summit, mas magiging sabik ang mga eksperto at stakeholders na makibahagi sa diskusyon.
“The presence of the President will not only help raise awareness, but it will also elevate the level of discussion in the summit; and hopefully, with his presence and with the motivation that he will give us in his opening remarks, we believe that the stakeholders/the experts will be more willing to engage in a more fruitful discussion,” ani Asec. Clavano. | ulat ni Racquel Bayan