Presyo ng lechon sa La Loma, QC, stable pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang paggalaw sa presyo ng ibinebentang lechon sa bahagi ng La Loma sa Quezon City sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Ayon kay Mang Egay, may-ari ng Mang Tomas Native Lechon sa La Loma, stable pa ang kanilang bentahan ngayon dahil wala namang pagbabago sa kuha nila sa supplier.

Sa ngayon, mabibili ang lechon sa:

₱8,000 – 7-8 kilograms
₱9,000 – 9-10 kilograms
₱10,000 – 11-12 kilograms
₱18,000 – 20 kilograms

Mayroon ding available na tingi ng lechon na mabibili sa ₱1,200 kada kilo.

Inaasahan naman nitong sa mga susunod pang linggo magtataas ang presyo ng lechon sa La Loma kung saan inaasahang mataas din ang demand nito.

Ayon naman kay Mang Egay, may ilan na sa kanilang mga suki ang nagpapareserba ngayon pa lang order para sa Pasko at Bagong Taon.

Bagamat sa December 20 pa aniya nito inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili sa La Loma na kilalang Lechon Capital ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us