Presyuhan ng bigas sa World Market, nagisismula na namang magsitaasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado.

Sa briefing na ipinatawag ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian, na may pagkabahala sila sa unti-unting pagtaas na naman ng presyo ng bigas sa World Market.

Partikular dito ang Vietnam at Thailand na pawang pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ng imported na bigas.

Sinabi naman ni DA-National Food Authority Administrator Roderico Biocon, isa sa tinitingnan nila ngayon na alternatibong pagkunan ay ang India.

Bagamat nagpatupad kasi ito ng ban sa importation ng non-basmati rice ay nagkaroon ng government to government na kasunduan para makapag-angkat pa rin ang Pilipinas ng bigas.

Inaasahan na ngayong buwan darating ang biniling bigas ng Pilipinas mula India.

Ani Biocon, sa ngayon mahalaga na magkaroon ng stable na suplay ng bigas ang bansa para maging stable din ang presyo nito sa pamilihan.

Para aniya mapababa ang presyo ng bigas ay kailangan ng 300,000 metric tons na suplay ng bigas kada buwan.

Aminado naman ang opisyal, na kahit dumating ang inangkat na bigas mula India ay hindi agad mararamdaman ang pagbaba sa presyo nito.

Batay sa monitoring ng Agriculture Marketing Assistance o AMAS ng DA sa ilang piling pamilihan, naglalaro ang presyo ng imported na bigas kada kilo sa P50.14 para sa well milled, P57.91 para sa premium, at P60.95 para sa special.

Ang lokal naman na bigas, pinakamura ang regular milled na P45.68 kada kilo P50.34 sa well milled, P54.51 sa premium, at P60.66 sa special. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us