Lubos na tinanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagsuporta ng iba’t ibang transport groups sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Kasunod ito ng isinagawang rally sa Mendiola, sa lungsod ng Maynila ngayong araw.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ipinapakita lamang nito na karamihan sa mga transport group sa bansa ay sumusuporta sa inisyatiba ng gobyerno na mabigyan ng maayos na transportasyon ang publiko.
Ipinapaabot ng pro-modernization groups na tinututulan ng mga ito ang pagpapalawig ng deadline ng consolidation sa Disyembre 31 at sinabing hindi ito patas sa mga sumunod sa direktiba.
Anila, hindi na bababa sa 120 grupo ang consolidated na para sa programa sa Metro Manila at 1,700 grupo sa buong bansa.
Nauna rito, tiniyak ng LTFRB chairperson na walang mangyayaring phaseout sa mga traditional jeepney sa bansa pagkatapos ng deadline para sa consolidation. | ulat ni Rey Ferrer