Binigyang diin ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang kahalagahan na protektahan ang West Philippine Sea (WPS) dahil direkta itong makakaapekto sa food security ng bansa.
Aniya, hindi lang ang freedom of navigation ang dapat protektahan ngunit maging ang ecosystem ng buong WPS para maiwasang masira ang marine biosphere doon.
Dagdag pa ng mambabatas, na ang limitadong galaw ng ating mga mangingisda doon ay nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.
“Nakasalalay sa kakayahan nating protektahan ang WPS ang buhay at hanapbuhay ng ating mga mangingisda.”
Sabado nang i-water cannon ng Chinese ships ang barko ng BFAR na nagdadala ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda.
Diin pa ni Lee, na bilang ito ay sakop ng ating exclusive economic zone ay dapat mga Pilipino lang ang makinabang sa lugar na ito. | ulat ni Kathleen Forbes