Siniguro ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatili itong committed sa paghahatid ng maaasahang statistics sa lahat ng stakeholders maging sa agri at fisheries sector.
Ayon sa PSA, pinabuti pa nito ang disenyo ng kanilang survey pagdating sa agriculture at fisheries statistics nang mas maging akma ito sa sektor.
Ito ay sa tulong na rin ng ilang technical experts na kasama sa pagbabago ng disenyo ng survey na nagresulta naman sa mas mataas na sample size, data collectors at processors, at budget para sa survey.
“The PSA upholds its unwavering commitment in maintaining a robust system in all aspects of data collection, processing, and validation, guided by professional standards, scientific principles, and ethical standards.”
Ayon pa sa PSA, tuloy-tuloy ang gagawin nitong pagpapabuti sa survey methodologies at operational procedures nang mas mapaganda rin ang agriculture at fisheries statistics services nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa