Quick Reaction Forces, inorganisa ng VISCOM para sa mabilis na pagresponde sa terrorist attack

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-organisa ng Quick Reaction Force ang Armed Forces of the Philippines Visayas Command (AFP-VISCOM) para sa mabilis na pagresponde sa pag-atake ng mga terorista.

Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, ang mga Quick reaction team ay nakahandang sumuporta sa Philippine National Police (PNP) sa pag-nutralisa ng anumang armadong pag-atake ng mga terorista sa mga bayan at lungsod.

Bahagi aniya ito ng pinaigting na seguridad na ipinatupad ng militar sa rehiyon, kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City.

Sinabi ni Arevalo, na kinonsidera nila ang posibilidad na kumalat sa Visayas Region ang nangyaring terrorist attack sa Mindanao sa kanilang isinagawang Focused Group Dialogue on the Contingency Plan against Urban Terrorism.

Tiniyak naman ni Arevalo, na nakahanda na ang plano ng militar laban sa anumang posibleng banta sa seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us