Hinihintay na lamang ng Department of National Defense (DND) ang counter draft na isusumite ng pamahalaan ng Japan sa Pilipinas.
Ito’y may kaugnayan sa binabalangkas na Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan na kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., matapos bumalik na sa Pilipinas ang formal negotiating team mula Japan sa pangunguna ni Defense Undersecretary Pablo Lorenzo.
Sa sandaling hawak na ng Pilipinas ang counter draft ng Japan hinggil sa naturang kasunduan, sinabi ng kalihim na daraan ito sa matinding pagbusisi.
Dagdag pa ni Teodoro, kailangan aniyang mapagkasundo ang mga panukala ng dalawang panig bago naman magtungo sa pagbalangkas ng isang final draft hinggil dito. | ulat ni Jaymark Dagala