Inaasahang lalago ang foreign remittance sa bansa ng hanggang five percent ayon sa World Bank (WB).
Base kasi sa datos ng WB, nanatiling fourth-largest recipient ng foreign remittance ang Pilipinas sa buong mundo ngayong taon na may $40 billion, una ang India na nasa $125 billion, pangalawa ang Mexico sa $67 billion at China na nasa $50 billion.
Ayon sa World Bank, nakikita rin nila ang pagtaas ng demand ng mga Filipino Migrant Workers kaya inaasahang ang pagpalo ng foreign remittance.
Sa latest remittance growth projection ay mas mataas sa naunang pagtaya na nasa 2.5% growth nuong June 2023.
Samantala, inaasahan naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tataas sa 3% ang remittances sa 2024.
Dagdag ng WB results anila ito ng proactive stance ng gobiyerno sa iba’t ibang bansa upang proteksyonan ang mga OFWs.| ulat ni Melany V. Reyes