Rescue teams, aasahang makakarating bukas sa lokasyon ng bumagsak na eroplano sa Isabela – Incident Management Team

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ng umaga inaasahang makakarating ang rescuers sa bumagsak na Piper Cherokee plane sa kabundukan ng Sierra Madre sa bahagi ng Barangay Casala, sa San Mariano, Isabela.

Base sa update mula sa opisina ni Incident Management Team (IMT) Commander Atty. Constante Foronda, nagsimula na sa paglalakad ngayong hapon paakyat sa kabundukan ng Sierra Madre sa bahagi ng San Mariano, Isabela ang rescuers na ibinaba ng Philippine Air Force (PAF) Sokol helicopter malapit sa paanan ng bundok kung saan naroroon ang eroplano.

Kabilang dito ang dalawang PAF para-jumpers, kasama pa ang apat na Isabela PDRRMO rescuers, at limang tauhan ng BFP Search and Rescue Unit.

Ang ibang rescue groups na ayon sa IMT, ay binubuo ng halos 80 katao mula sa PNP, sa Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), at LGUs, ay patungo na rin sa pinagbagsakan ng eroplano.

Kahapon ng umaga nang ganap nang nahanap ang eksaktong lokasyon ng eroplano na iniulat na nawala noong Nobyembre 30 makaraang bigong makarating sa inaasahang oras sa Palanan Airport, mula sa Cauayan City Airport.

Sakay nito ang pilotong si Capt. Levy Abul II at isang pasaherong taga-bayan ng Divilacan, Isabela na ngayon ay hindi pa mabatid ang kanilang kalagayan.| ulat ni April Racho| RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us