Resolusyon na kumukondena sa pambobomba sa MSU, pinagtibay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang resolusyon na naghahayag ng mariing pagkondena ng Kapulungan sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi habang nagsasagawa ng banal na misa ang mga estudyante.

Laman din ng resolusyon ang panawagan para sa mabilis na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga salarin.

Sa pamamagitan ng “viva voce” voting ay in-adopt ang House Resolution 1504 kung saan tinukoy ang insidente bilang lubhang nakababahala at isang malagim na trahedya na banta sa kapayapaang itinaguyod ng pamahalaan sa Mindanao at nagdulot ng gulo at pagkabahala sa komonidad.

Bingiyang-diin din dito ang kahalagahan ng malaliman at mabilis na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, at iba pang ahensya ng pamahalaan para mapanagot ang mga may sala.

Ipinaabot ng Kapulungan ang kanilang pakikisimpatiya sa pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima at nangakong tutulungan ang mga naapektuhang residente.

Diin pa ng mga mambabatas na walang puwang sa lipunan ang anomang uri ng terorismo at karahasan na nagresulta sa pagkasawi ng mga inosenteng buhay at kailangan na kagyat na tugisin ang mga ito upang tunay na makamit ang kapayapaan at kasaganaan sa Mindanao.

“Acts of lawlessness, violence and terroristic activities, resulting to violent killings especially of innocent people, destruction of property, and disruption of public order and safety should never be tolerated, and have to be suppressed and eradicated in order to promote lasting peace and prosperity in Mindanao,” saad ng resolusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us