Resolusyong nanghihingi ng pagsang-ayon ng Senado sa ILO Convention 190, prinesenta na sa Plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inendorso na sa Plenaryo ng Senado ang resolusyon na nanghihingi ng concurrence o pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasyon ng gobyerno sa International Labor Organization (ILO) Convention 190 o ang kasunduan tungkol sa pagtitiyak na walang mangyayaring karahasan sa mga lugar ng paggawa.

Sa kanyang Sponsorship Speech para sa Senate Resolution 877, ipinaliwanag ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos na ang ILO Convention 190 ay ang unang tratado na kumikilala sa pangunahing karapatan ng bawat indibidwal para sa isang mundo na malaya mula sa karahasan at harassment.

Itinatakda aniya nito ang unang internationally agreed na kahulugan ng karahasan at harrasment sa lugar paggawa.

Nakalista na aniya dito ang mga hindi katanggap-tanggap na gawain at aksyon na maaaring magresulta sa physical, psychological, sexual, o economic harm kabilang na ang mga gender-based violence.

Ayon kay Marcos, sakop ng ILO Convention, hindi lang ang mga lugar-paggawa, kundi maging ang mga work-related trips, employer-provided accommodation, virtual work, at maging ang pag-commute papunta at galing sa trabaho.

Pinoprotektahan rin nito ang mga regular o contractual na empleyado sa public o private sector, gayundin ang mga intern, volunteer, trainee at job applicants, at OFWs. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us