Nahigitan na ng Land Transportation Office-National Capital Region ang kanilang revenue collection noong nakaraang taon.
Ayon sa ulat ni LTO-NCR Financial Management Division Chief Annabelle Quevedo, mula sa P7.82-billion revenue collection noong taong 2022, tumaas na ito sa P8.1-billion ngayong taong 2023.
Bunga nito, ipinag-utos ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III sa Management Committee Office na magsagawa ng detailed activity planning para sa darating na taon.
Layon nito na tiyakin ang tuloy-tuloy na momentum sa kanilang operasyon.
Pinasalamatan din ni Verzosa ang mga LTO-NCR employees na nag-ambag ng kanilang sama-samang pagsusumikap para makamit ang kahanga-hangang tagumpay sa kita.
Ipinangako pa ni Verzosa sa publiko ang patuloy na pagpapahusay ng serbisyo ng LTO-NCR. | ulat ni Rey Ferrer