Nahigitan ng 30% ang target collection ng Philippine Ports Authority (PPA) sa nakalipas na 10 buwan ng taong 2023.
Ito ang ibinalita ni General Manager Jay Santiago sa Kapihan sa Pantalan, matapos malampasan ang P20. 53 billion na collection noong 2022.
Mula January 2023 hanggang October 2023, pumalo sa P21.06 billion ang collection pinakamataas sa mga nagdaang taon.
Ang pagtaas daw ng kita ng PPA ay bunga ng pagsusumikap nila sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa mga polisiya, planning at strategic management.
Kaya naman, patuloy ang pagsusumikap nila upang pagandahin ang maraming mga pantalan sa bansa na makakahikayat sa pagpapataas ng kita.
Sa taong ito, 74 na mga locally funded project ang kasalukuyang ginagawa na kabilang dito ang port expansion sa Davao City, restoration project sa Port of Currimao sa Ilocos Norte, expansion project ng Capinpin Port Orion Bataan, at ang konstruksyon ng Roro ramp sa Catagbacan Bohol.
Mayroong konstruksyon din sa Port of Surigao del Norte para sa mga Cruise ship, breakwater piles sa Claveria Cagayan, port expansion sa Plaridel sa Misamis Occidental, port development sa Camarines Sur at construction ng cruise ship port sa Surigao del Norte. | ulat ni Michael Rogas