Nakatanggap ang Lungsod ng San Juan ng 2023 Seal of Good Local Governance mula sa Deparment of the Interior and Local Government (DILG).
Layon ng naturang award na kilalanin ang katapatan at kahusayan ng mga lokal sa pamahalaan sa iba’t ibang aspeto gaya ng financial administration, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliance, at iba pa.
Ito na ang pinakamataas na award na maaaring matanggap ng mga lokal na pamahalaan mula sa DILG.
Nasa 493 na mga LGU ang gagawaran ng Seal of Good Local Governance ngayong taon.
Nagpasalamat naman si San Juan City Mayor Francis Zamora sa lahat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan dahil sa kanilang sipag at dedikasyon sa trabaho.
Isasagawa ang awarding ceremony ng 2023 Seal of Good Local Governance sa December 13 at December 14.| ulat ni Diane Lear