Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang ikalawang wave ng distribusyon ng family food packs sa mga naapektuhan ng shearline sa Arteche Eastern, Samar noong December 6, 2023.
Ayon sa DSWD Field Office 8, umabot na sa 8,145 FFPs ang naipaabot sa nasabing lugar.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 236, 791 food packs na ang naipaabot sa mga apektadong local government sa rehiyon.
Una nang nagbigay ng direktiba si DSWD Secretary Rex Gatchalian na dagdagan ang suplay ng family food packs sa mga apektadong pamilya.
Kayat nagpapatuloy ang ginagawang relief operations ng DSWD sa rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer