Kinilala ng Anti-Red Tape Authority o (ARTA) ang Securities Exchange Commission (SEC) sa pagsusulong ng ease of doing business sa bansa.
Ayon kay SEC Chair Emilio Aquino, kaisa sila ng ARTA sa mission nito na i-streamline ang proseso ng gobyerno na pagbutihin ang public service delivery at makamit ang mahusay na burukrasya.
Aniya, patuloy na ipinagkakaloob ng SEC ang mabilis at mas mahusay na transaksyon sa publiko sa pamamagitan ng digital transformation program.
Samantala, nakakuha din ng award ang SEC mula sa GCash sa digitalization services nito.
Pinagkalooban ng Digital Transformation Award ang SEC kamakailan.
Maaalalang sinimulan ng ahensya ang kanilang digital transformation program sa kasagsagan noon ng pandemya, alinsunod sa Digital Transformation and Technology Modernization Roadmap. | ulat ni Melany Valdoz Reyes