Sen. Angara, bukas sa pagtalakay ng term extension para sa mga congressman at lokal na opisyal ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senador Sonny Angara na rebyuhin ang political at economic provision ng Saligang Batas.

Sinabi rin ni Angara na bukas rin siyang palawigin ang tatlong taong termino ng mga congressman at mga lokal na opisyal.

Paliwanag ng senador, masyadong maiksi ang tatlong taong termino dahil kakahalal pa lang ng isang opisyal ay iisipin na nito agad ang pre-election year.

Masyado aniyang mabilis ang tatlong taon at hindi ito sapat lalo na sa takbo ng burukrasya sa ating bansa.

Sa tingin ng senador, mas mainam na bigyan ang mga congressman at mga lokal na opisyal ng apat o limang taong termino para makapagpatupad ng maayos na programa.

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Angara na dapat tiyakin na masusunod ang review process, lalo na ang pagkonsulta sa publiko, lalo na’t sensitibo ang publiko sa posibilidad na maalis ang term limit o magkaroon ng term extensions.

Sa posibilidad naman na payagan ang Pangulo ng bansa na ma-re-elect, sinabi ng senado na isa itong interesanteng paksa na kailangan pang pagdebatehan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us