Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat walang ceasefire kahit isulong ang peace talks sa mga rebelde

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang hakbang ng gobyerno na muling buksan ang peace talks sa mga komunsitang grupo.

Gayunpaman kondisyon ni dela Rosa, dapat ay walang ceasefire.

Paliwanag ng senador, marami na kasing mga pagkakataon na ginagamit lang ng mga rebelde ang ceasefire para magpalakas muli, at kalaunan ay umatake lang muli.

Sinabi rin ng senador, na dapat nasa tuntunin ng gobyerno ang magiging peace talks at hindi ang mga rebelde ang siyang masusunod.

Una nang nagkasundo ang Marcos Administration at ang National Democratic Front (NDF), na magkaroon ng exploratory talks para wakasan ang armadong pakikibaka.

Matatandaang si dela Rosa ang PNP Chief nang tuldukan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NDF-CPP-NPA) noong 2017. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us