Sen. Bato dela Rosa, naniniwalang mga terorista ang nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo ay hindi isang misplaced agression na may kaugnayan sa Hamas-Israel war.

Iginiit ni Dela Rosa na namamayani ang kapayapaan, pagmamahalan, at respeto sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa mga estudyante ng MSU bago at kahit matapos ang naging insidente.

Kaya naman sigurado aniya ang senador na ang mga nasa likod ng insidenteng ito ay hindi Muslim o Kristiyano kundi mga terorista.

Sinabi naman ni Senate Committee on National Defense Chairperson Jinggoy Estrada na walang puwang sa ating lipunan ang ganitong klase ng paghahasik ng karahasan, na itinaon pa sa Mindanao Week of Peace.

Umapela si Estrada sa mga awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusi, at transparent na imbestigasyon sa insidente nang mapanagot ang mga may-sala at maiwasang maulit ang ganitong klase ng karahasan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us