Sen. Chiz, kumpiyansang aaprubahan ng bicam ang panukalang pondo para sa reimbursement ng mga offloaded passengers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senador Chiz Escudero na tatanggapin ng bicameral conference committee na tumatalakay sa panukalang 2024 national budget ang pinanukalang probisyon ng Senado na maglaan ng pondo para sa reimbursement ng mga pasaherong Pinoy na na-offload ng mga immigration.

Pinahayag ni Escudero na panahon nang bayaran ng gobyerno ang higit 32,000 na mga apektadong pasahero noong 2022.

Binigyang diin rin ng senador na ang isinusulong na bayad ay hindi naman mangangailangan ng dagdag na pondo dahil huhugutin ito mula sa kita at koleksyon ng Bureau of Immigration (BI) na hindi naman nagagamit at binabalik lang nila sa National Treasury.

Nilinaw rin ng senador na lahat ng mga na-offload na mga pasahero ay pwedeng mag-claim ng reimbursement.

Nasa BI na aniya kung anong requirement ang hihingin nila mula sa mga pasahero.

Umaasa rin si Escudero na hindi ive-veto ni Pangulong Ferdinand r. Marcos Jr. ang naturang probisyon dahil ang P200 million na alokasyon para dito ay maliit na bahagi lang ng P5.7 trillion na panukalang pondo sa susunod na taon.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us