Naniniwala si Senate Deputy Majority leader JV Ejercito na walang mave-veto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang 2024 national budget o ang 2024 General Appropriations Bill (GAB).
Bukas na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Marcos ang 2024 GAB at ayon kay Ejercito ay inaasahang dadalo dito ang Senate leadership kabilang na si Senate Finance Committee chairman Sonny Angara.
Ayon kay Ejercito, kumpiyansa siyang walang mave-veto ang punong ehekutibo sa binuong budget lalo’t inalisan na nila ng Confidential and Intelligence fund (CIF) ang mga civilian agencies at inilipat na ito sa mga national security agencies.
Pagdating naman sa kinuwestiyong unprogrammed fund ni Senate minority leader Koko Pimentel, pinaliwanag ng senador na ang mga tinatawag na unprogrammed funds ay manggagaling lang mula sa extra na kita ng pamahalaan.
Ibig sabihin, ang mga programa sa ilalim nito ay dadasalan lang na magkaroon sana ng extrang kita ang gobyerno para mapondohan.
Tiwala naman aniya ang senador sa ehekutibo at sa discretion ni Pangulong Marcos.
Ang ehekutibo rin naman aniya ang magdedesisyon kung anong mga proyekto sa unprogrammed fund kung ano ang uunahin sakaling magkaroon ng extrang pondo ang gobyerno | ulat n Nimfa Asuncion