Hinikayat ni Senador Grace Poe ang Department of Agriculture (DA) na maging mas aktibo sa paggawa ng mga polisiya at programa para sa pagtataguyod ng animal welfare sa bansa.
Inihain ni Poe ang Senate Bill 2458 na layong palakasin ang animal welfare standards, mga polisiya, panuntunan, regulasyon, at pagpapatupad ng mga ito gayundin ang mas mahigpit na pagpaparusa sa mga violator.
Isinusulong ng panukalang ito na itatag ang Animal Welfare Bureau (AWB) na magkakaroon ng city, municipal, provincial, at regional offices.
Ang kagawarang ito ay mapapasailalim sa DA.
Sa ilalim ng panukala, aatasan ang AWB na i-monitor ang pagsunod ng local governments sa animal welfare programs, standards, rules, at regulations.
Magpapatupad rin ng isang sistema para sa inspeksyon ng mga animal facility.
Maglalatag rin ng minimim standards tungkol sa nararapat na pagkain, tubig, at tirahan para sa bawat species ng hayop depende sa edad, breed, size, at special needs. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion