Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga law enforcement agencies na palakasin ang security efforts sa mga paaralan at iba pang mga pampublikong lugar para maiwasan ang anumang banta sa seguridad ngayong holiday season.
Ipinunto ni Hontiveros na ang mga paaralan at unibersidad ay hindi lang para sa mga estudyante kundi para rin sa mga komunidad.
Kaya naman dapat lang na gawin ang lahat para tiyaking ang mga lugar ng pag-aaral ay mananatiling ligtas para sa lahat.
Nagpahayag rin ng suporta ang deputy minority leader sa PNP, Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya sa paghahanap ng buong katotohanan at katarungan sa terror attack na ito.
At dahil sinasabing dayuhang terorista ang nasa likod ng atakeng ito ay dapat rin aniyang paigtingin ng mga awtoridad ang border security ng bansa at tiyaking hindi makakaalis ng pilipinas ang mga gumawa nito ng walang pananagutan.
Sa huli, tiwala si Hontiveros na mananaig ang kapayapaan at kaunlaran na hinahangad nating lahat bilang iisang bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion