Sen. Hontiveros, umaasang kikilos ang NTF-WPS laban sa reclamation activities ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senadora Risa Hontiveros na kikilos ang gobyerno para mapigilan ang mga pinaghihinalaan bagong reclamation at base-building activities sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang kikilos ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) para hindi maituloy ang anumang plano ng China.

Sinabi ng Senadora na dapat ay higit na sa diplomatic protest ang gawin ng ating bansa dahil hindi naman ito pinapansin ng china.

Giit ng mambabatas, ang mga bagong kaganapan ay patunay lang na ang China ang siyang nagsisimula ng gulo at hindi ito maaaring ibalik at isisi na sa pilipinas.

Pinuri naman ni Hontiveros ang Philippine Coast Guard sa hindi nito pagtinag laban sa China.

Dahil dito, nararapat lang aniyang palakasin pa ang pwersa ng PCG.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us