Ikinatuwa ni Senador Imee Marcos ang pagkakaaresto ng mga awtoridad sa isa mga suspect sa pagsabog sa Mindanao State University (MSU).
Sinabi ni Marcos na dapat paigtingin pa ang pag-aresto sa iba pang sangkot sa insidente hanggang matukoy ang mastermind.
Kasabay nito ay nanawagan ang senador ng pagtutulungan sa pagresolba sa krimen at sa pagtitiyak na hindi magagamit ng mga corrupt officials ang insidente sa pansarili nilang interes.
Sa gitna ito ng pagtukoy ng mambabatas sa ilang mga trahedya na nagamit aniya sa katiwalian.
Sa huli, binigyang-diin ni Senador Imee na dapat magkaisa para makamit ang kapayapaan at tunay na pag-unlad sa Mindanao. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion