Nilinaw ni Senador Imee Marcos na hindi siya tutol sa pag-amyenda ng 1987 Constitution pero iginiit na hindi pa ito napapanahon sa ngayon.
Sinabi ni Senador Imee na hindi niya ipagtatanggol ang isang konstitusyon na ginawa laban sa kanilang pamilya.
Ayon sa mambabatas, maraming probisyon sa konstitusyon ang talagang ginawa para sa paghihiganti laban sa kanilang pamilya.
Dahil dito, malabo aniyang manggaling pa sa kanya ang pagtatanggol sa kasalukuyang konstitusyon.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Marcos na hindi talaga napapanahon ngayon ang charter change dahil sa dami pa ng problema ng ating bansa ngayon.
Makakasagabal lang aniya ito sa pagtugon sa totoong mga problema ng Pilipinas, kabilang na aniya ang pagbangon mula sa dagok ng pandemya, Public Utility Vehicle (PUV) Modernization, presyo ng bigas at produktong petroyo, at kawalan ng trabaho ng ilang Pilipino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion