Kasabay ng paggunita ng UN International Migrant Workers Day, hinikayat ni Senate Committee on Foreign Relations chairperson Senadora Imee Marcos ang gobyerno na harapin at tugunan ang mga kaganapan sa mundo para na rin sa katiyakan ng trabaho ng mga migranteng Pilipino.
Babala ni Senadora Imee, lumalaki ang banta sa trabaho ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, lalo sa mga industriya ng maritime, dahil sa mga sigalot sa mundo.
Partikular na tinukoy ng mambabatas ang patuloy na mga pag-atake ng mga Houthi rebel sa mga cargo ship sa Red Sea, na nagtutulak naman sa shipping company na itigil ang operasyon sa rehiyon.
Dagdag pa aniya dito ang hinaharap ngayon ng mga shipping company na mas malaking gastos, mas mababang singil sa kargamento at paghina sa negosyong container transport habang sobra ang suplay ng mga barko.
Inanunsyo rin ng shipping company na Maersk, na nasa 10,000 na trabaho ang kanilang tatapyasin kung saan 40 percent ay mga Pilipino.
Ayon sa senadora, posibleng magresulta ito ng pagbaba ng remittance ng mga Pinoy seafarers.
Bagay na ikinababahala. ni Senadora Imee.| ulat n Nimfa Asuncion