Nanawagan si Senador Nancy Binay ng dagdag na pondo at suporta mula sa pamahalaan para protektahan ang heritage at cultural treasures ng Pilipinas.
Ginawa ng senador ang pahayag matapos pangalanan ang Bohol bilang Philippines’ First UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization) Global Geopark at ang pagkakasama sa handwoven piña textile ng Aklan sa Representative List of the Intangible Cultural Heritage (ICH) of Humanity ng UNESCO.
Ayon kay Binay, chairperson ng Senate Committee on Tourism, ang pagkakasama sa UNESCO cultural at heritage list ay isang malaking hakbang para sa ating bansa at sa mga Pilipino.
Umaasa aniya ang senador na makakahanap ng paraan ang gobyerno para mapondohan at masuportahan ang pagprotekta sa mga cultural assets ng Pilipinas.
Naniniwala si Binay na kaya pa nating ipasok sa UNESCO List ang iba pang mga kulturang-yaman ng Pilipinas.
Pero para mangyari aniya ito ay kailangan ang suporta mula sa pamahalaan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion