Senador Tolentino, kinumpirma na bobitawan na niya ang chairmanship ng Senate blue ribbon committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Senador Francis Tolentino na bibitawan na niya ang pagiging chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

S pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni Tolentino na ito ay bilang pagsunod sa kanyang kasunduan sa Senate leadership na isa’t kalahating taon lang siya manunungkulan bilang chairman ng BRC.

Kasama rin aniya sa kasunduan ang pagiging miyembro niya ng Commission on Appointments (CA) sa loob ng isa’t kalahating taon na bibitawan niya na rin.

Nilinaw naman ni Tolentino na hindi pa siya nakapagsusumite ng resignation letter dahil sang-ayon sa sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, dapat ay gawin ito sa plenaryo ng Senado na magbubukas pa sa Enero 2024.

Gayunpaman, hangga’t wala pa aniyang napipili na bagong Blue Ribbon Committee chairman at kapalit niya sa CA ay mananatili pa rin siaya at titiyakin rin niya ang pagkakaroon ng maayos na transition sa bagong mauupo.| ulat n Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us