Nais ni Senador Raffy Tulfo na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa regulasyon ng mga Transportation Network Vehicle Services (TNVS) at iba pang common carriers para matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.
Sa inihaing Senate Resolution 872 ng senador, isinusulong na ang Senate Committee on Public Services ang humawak sa naturang pagdinig.
Sa paghahain ng naturang panukala, binigay na halimbawa ng senador ang nangyari sa isang Angkas rider noong November 2023 kung saan nagtamo ito ng serious injuries matapos mabangga ang sinasakyan niyang angkas sa EDSA.
Binigyang diin ng mambabatas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nmay mandato na i-regulate ang mga land-based public transportation at tiyakin ang kapakanan at interes ng mga mananakay.
Kinakailangan rin aniya ng Certificate of Public Convenience (CPC) mula sa LTFRB sa pag ooperate ng mga common carriers.
Sa ngayon, wala pang batas para paggamit ng mga motorsiklo bilang isang public transportation mode.
Pinapayagan lang ang operasyon ng mga motorcycle for hire sa bisa ng pilot program na sinimulan noong May 2019.| ulat ni Nimfa Asuncion