Dahil sa nalalapit na ang kapaskuhan, namahagi ng ayuda si Senator Imee Marcos sa mga residente sa lungsod ng Pasay kasabay ang pamamahagi sa mga bata ng regalong laruan ngayong Lunes, Disyembre 4.
Ayon sa senador, malapit sa kanyang puso ang Pasay City kaya naman isa ito sa mga nais niyang bigyan ng tulong at regalo.
Ang nasabing ayuda ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga regalo sa mga bata ay mula sa opisina ni Sen. Imee.
Sa huli, hiniling naman ni Sen. Imee sa mga residenteng nabigyan ng ayuda na gamitin ito panghanda sa darating na Pasko at regalo sa mga bata. | ulat ni AJ Ignacio