Inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang pagsasanib-pwersa ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at Robinsons Banks.
Sa inilabas na resolusyon ng Monetary Board kamakailan, aprubado ng Sentral Bank ang BPI–RBC merger kung san ang BPI ang magsisilbing surviving bank.
Upang maisakatuparan ang merger, inaantay na lamang ang clearance na manggagaling sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Nauna nang inaprubahan ng Philppine Competition Commission ang proposed merger nuong nakaraang September.
Ang merger ay inaasahang epektibo sa January 1, 2024 subject sa approval of SEC.
Inaasahan naman lalago ang net income ng BPI ng 33.3 per cent at magbubukas ito ng oportunidad sa industry ranking ng banko.| ulat ni Melany V. Reyes