Umarangkada na ang pagpapatupad ng Service Contracting Program bilang tulong pinansyal sa mga piling operator ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.
Alinsunod sa Memorandum Circular #2023-048 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, tutulungan ng pamahalaan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng performance base-pay out sa ilalim ng Net Service Contracting.
Bukod sa kita ng mga tsuper at operator sa pamamasada, bibigyan pa sila ng gobyerno ng karagdagang bayad sa bawat kilometro ng kanilang biyahe kada araw.
Ayon sa LTFRB, kwalipikado bilang benepisyaryo ng SCP ang mga Consolidated Transport Service Entity na mayroong hindi bababa sa 10 units na PUJ o UV Express. | ulat ni Rey Ferrer