Simulation exercise, isinagawa ng pinagsamang lakas ng AFP, PNP, at rescue unit sa Jolo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ngayong hapon ang isang Simulation Exercise (SIMEX) sa bayan ng Jolo upang masuri ang kahandaan ng kasundaluhan at kapulisan sa pagresponde sa insidente tulad ng pambobomba at kidnapping.

Pinangunahan ito ng 35th Infantry Battalion ng hanay ng kasundaluhan katuwang ang Sulu Police Provincial Office, Jolo Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Sulu Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), Jolo MDRRMO, at iba pang rescue unit.

Unang isinagawa ang isang bombing incident sa Rizal Park, Barangay Walled City, Jolo kung saan ilang indibidwal ang nasugatan.

Agad binuksan ang communication line ng bawat unit ng 35th IB upang makaresponde sa naturang insidente, pansamantalang isinara ang kalsada malapit sa pinangyarihan ng pagsabog sa koordinasyon sa Jolo MPS at iba pang security unit.

Matapos ang ilang minuto ay dumating sa lugar ang rescue team mula PDRRMO at Jolo MDRRMO upang makapaglatag ng paunang lunas at maidala sa pagamutan ang mga biktima, tumulong din ang BFP at Philippine Red Cross Sulu Chapter.

Matapos nito dumating naman ang SOCO at EOD ng PNP upang makapagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Matapos ang bombing scenario, isang kidnapping incident naman ang ikinasang exercise sa pantalan ng Jolo, kung saan makikita ang mabilis na pagresponde ng bawat unit ng AFP at PNP sa paglatag ng seguridad sa entry at exit point, paghabol sa suspek at pagligtas sa mga biktima.

Ang naturang aktibidad ay personal na sinaksihan ni BGen Christopher Tampus ng 1103rd Bde, LtCol Domingo Robles ng 35th IB, PCol Narciso Paragas ng Sulu PPO, PDRRM Officer Julkipli Ahijon Jr, at iba pang partner line agency upang matiyak ang kahandaan ng bawat sektor sa pagtugon sa mga insidenteng maaring ikasa ng mga armadong grupo na layong maghasik ng kaguluhan.| ulat ni Eloiza Mohammad| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us