Malinaw para sa House Committee on Legislative Franchises na may paglabag ang SMNI sa kanilang prangkisa.
Ayon kay Parañaque Representative Gus Tambunting, Chair ng komite, partikular dito ang sections 4, 10 at 11 o patungkol sa maling pagbabalita at pagkabigo na ipaalam sa Kongreso ang pagbabago sa pagmamay-ari nito, at ang pag-alok sa publiko ng hindi bababa sa 30% ng outstanding stock nito na nakasaad din sa termino ng franchise.
Sa ngayon, pasado na sa komite ang isang resolusyon na nananawagan sa National Telecommunications Commission (NTC) na suspindihin ang operasyon ng SMNI dahil sa paglabag nito sa termino ng kanilang prangkisa.
Sakali namang aprubahan aniya ng plenaryo ang resolusyon ay nasa kamay pa rin ng NTC kung sususpindihin ito o hindi. | ulat ni Kathleen Forbes