SMNI posibleng lumabag umano sa kondisyon ng prangkisa dahil sa fake news ayon sa NTC at KBP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng nagkaroon ng paglabag ang media network na SMNI sa pag-ere nito ng “fake news” ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Kasunod ito ng isinagawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises patungkol sa pinalutang na impormasyon sa isa sa mga programa ng TV network na gumastos ng P1.8 billion si Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga biyahe.

Ngunit batay sa records ng Kamara, P4.3 million lamang ang ginastos ni Romualdez mula Enero hanggang Oktubre 2023.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Alvin Blanco, lumalabas na nagkaroon ng infraction sa probisyon ng prangkisa partikular ang section 4 na patungkol sa paglalahad ng false information.

Ayon naman kay KBP Vice President for Legal and Regulatory Compliance Group Rudolph Jularbal, na maaaring may paglabag na nagawa ang SMNI nang payagan nito ang isang hindi accredited brodkaster na umere.

Ang isa kasing media entity na accredited ng KBP ay dapat sumunod sa kanilang mga panuntunan gaya ng pagsailalim sa mga lecture kaugnay ng code of ethics ng kanilang mga anchor at reporters, at pagkuha ng accreditation exam.

Sinabi ni Jularbal, na sa kasalukuyan ay nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang KBP kaugnay ng mga reklamo laban sa SMNI, partikular sa pagpapakalat ng fake news at red-tagging.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Disyembre 5. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us