Tinanggap na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbibitiw sa pwesto ni Senador Francis Tolentino bilang chairman ng Senate blue ribbon committee
Sa isang pahayag, sinabi ni Zubiri na nauunawaan at nirerespesto niya ang desisyon ni Tolentino.
Ayon sa Senate leader, naging episyente at produktibo ang pamumuno ni Tolentino ng blue ribbon committee.
Sa ilalim aniya ng pamumuno ng senador ay epektibong nagampanan ang kapangyarihan at mandato nito na mag-imbestiga in aid of legislation tungkol sa mga usaping may kaugnayan sa accountabilities ng mga opisiyal ng gobyerno.
Nakatitiyak aniya si Zubiri na magiging maayos ang period of transition sa BRC.
Aminado naman ang Senate president na magiging mahirap ang paghahanap ng magiging kapalit ni Tolentino bilang chairman ng blue ribbon committee. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion