Sinimulan nang ipamahagi ngayong araw ng Department of Education o DepEd ang P18,000 Service Recognition Incentive o SRI para sa mga kwalipikadong mga guro at mga kawani ng pampublikong paaralan.
Salig ito sa Administrative Order No. 12 o “Authorizing the Grant of Service Recognition Incentive to Government Employees for Fiscal Year 2023”
Batay sa memorandum na inilabas ng DepEd, nakasaad na dapat makatanggap na ng cash incentives ang mga School Division Office at iba pang unit ng Kagawaran.
Exempted naman sa cash-only mode ng SRI ang mga guro na nasa mga malalayong lugar, sa halip ay ipapasok na lamang ang kanilang mga insentibo sa kanilang payroll account.
Kapwa pirmado nila DepEd Undersecretary Michael Poa at DepEd Assistant Secretary Francis Bringas ang naturang memo. | ulat ni Jaymark Dagala